N170 (Philippines).svg

España Boulevard sign.svg

Bulebar Espanya
Daang Radyal Blg. 7
Bulebar Espanya sa Sampaloc, Maynila.
Impormasyon sa ruta
Haba2.0 km (1.2 mi)
Bahagi ng
  • R-7R-7
  • N170
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N170 (Abenida Lerma) at Kalye Nicanor Reyes (Morayta) sa Sampaloc, Maynila
 
  • N140 (Abenida Lacson)
  • Kalye Maceda
  • N161 (Daang Blumentritt)
Dulo sa silanganRotondang Mabuhay sa Lungsod Quezon
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodMaynila, Lungsod Quezon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
  • Mga lansangan
  • Mga mabilisang daanan
    • Talaan

Ang Bulebar Espanya (Ingles: España Boulevard, Kastila: Bulevar España) ay ang pangunahing daan ng Sampaloc sa Maynila, na pinangalanan sa Espanya, na namuno sa Kapuluan ng Pilipinas sa loon ng 333 taon, mula 1565 hanggang 1898. Isa itong daang arteryal na may walong landas, apat sa bawa't gilid, at bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7). Bahagi rin ito ng N170 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

Mga nilalaman

  • 1 Kasaysayan
  • 2 Mga kilalang pook-palatandaan
    • 2.1 Lungsod Quezon
    • 2.2 Maynila
  • 3 Mga karagdagang impormasyon
  • 4 Tingnan din
  • 5 Mga sanggunian

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang bulebar ay dating bahagi ng Hacienda de Sulucan na isa sa mga sampung baryo na bumuo sa distrito ng Sampaloc. Noong 1694, ibinigay ang hacienda sa mga kapatid ng Monasterio de Santa Clara. Noong 1905, inilipat ang pamamahala ng lupain sa Sulucan Development Corporation. Itinayo ang bulebar noong 1913 bilang isang daan patungong Sulucan, na may isang kasunduan na ipapangalan itong "España".[1]

Mga kilalang pook-palatandaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Bulebar Espanya ay isang silangan-pakanlurang arterya ng Maynila. Kinokonekta nito ang mga Kalye ng Lerma at Nicanor Reyes (dating Morayta) sa distrito ng Sampaloc sa kanlurang dulo sa Rotonda ng Mabuhay (Ingles: Welcome Rotonda), Lungsod Quezon sa silangang dulo. Ang kabuuang lansangan ay hinahatian ng isang center island, na napuputol lamang sa mga pangunahing sangandaan at sa krosing ng daangbakal. Pinapayagan lamang na magliko sa kaliwa (left-turn) ang mga sasakyan sa dalawang sangandaan: patimog sa Abenida Lacson at sa kanlurang dulo papuntang Kalye Nicanor Reyes. Ang haba ng Espanya ay 2 kilometro. Naglilingkod ang mga bus, taksi, dyipni, at cabriolet sa mga mananakay.

Lungsod Quezon[baguhin | baguhin ang batayan]

Bulebar Espanya papuntang Mabuhay Rotonda sa hilaga.

Sa silangang dulo nito ay ang Mabuhay Rotonda (na tinatawag ding Welcome Rotonda), na kumokonekta ng Espanya sa Abenida Quezon, Abenida Eulogio Rodriguez, Sr., at Abenida Mayon. Tumutungo ang Abenida Quezon sa EDSA at kalaunan, sa Quezon Memorial Circle. Ang Abenida E. Rodriguez, Sr. ay papuntang distrito ng Cubao sa Lungsod Quezon, isang tanyag na lugar-pampamilihan. Patungo naman sa Abenida Bonifacio ang Abenida Mayon, at pagkatapos, sa North Luzon Expressway (dating North Diversion Road).

Maynila[baguhin | baguhin ang batayan]

Bulebar Espanya malapit sa Pamantasan ng Santo Tomas sa gabi.

Ang unang pangunahing daan na bumabagtas sa bulebar ay ang Daang Blumentritt. Tumatawid ang mga linyang daangbakal ng Philippine National Railways sa bulebar sa pagitan ng mga Kalye ng Antipolo at Algeciras. Matatagpuan din dito ang Estasyong España ng nasabing daangbakal. Matatagpuan naman sa pagitan ng Abenida Lacson at Kalye Padre Noval ang pangunahing kampus ng Pamantasan ng Santo Tomas.

Nagtatapos ang Bulebar Espanya sa sangandaan ng mga Kalye ng Nicanor B. Reyes (dating tinawag na Morayta) at Lerma. Ang Kalye Nicanor B. Reyes ay papuntang Abenida Claro M. Recto, habang papunta naman sa Bulebar Quezon ang Kalye Lerma.

Mga karagdagang impormasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Kilala ang Bulebar Espanya na bumabaha tuwing tag-ulan. Ito'y dahil nagsisilbi itong catch basin para sa tubig-ulan na nagmumula sa mas-mataas na Lungsod Quezon. Ang distrito ng Sampaloc ay dating pook-latian at mabasang lupa (swamp-marsh area). Madalas makikitang lumalakad nang painut-inot ang mga tao sa bahang umaabot sa baywang ang taas, lalo na kapag dumadaan sa Maynila ang isang bagyo na nauuwi sa pagkakasuspinde ng mga klase sa mga paaralan, kolehiyo at pamantasan.[2]

Dumaan ang prusisyon ng patay ni Fernando Poe, Jr. sa Bulebar Espanya sa ruta nito na patungong Sementeryo Norte mula Simbahan ng Santo Domingo sa Lungsod Quezon. Umabot sa 3 milyon ang mga nakilahok sa prusisyon ng patay.[3]

Ipinanukala noon ang isang bagong linyang riles panlulan na dadaan sa Bulebar Espanya, na tinawag na MRT-4, na kilala rin ng ilan bilang Red Line.[4] Ang nasabing linya ay dadaan sa bulebar, Abenida Quezon, at Abenida Commonwealth hanggang sa San Jose del Monte, Bulacan. Subalit tinutulan ito ng Konsehong Panlungsod ng Maynila, at lumalabag di-umano sa mga kasunduang inilahad ng Espanya para sa pagbibigay ng lupaing para sa Bulebar Espanya.

Magbibigay din ng daan papuntang NLEX-SLEX Connector Link ang bulebar sa pamamagitan ng Labasan ng España. Ang nasabing karugtong ng mabilisang daanan ay dadaan sa ibabaw ng mga riles ng PNR hanggang sa Grace Park, Caloocan.

Madalas na ginagamit ng mga raliyistang kontra-pamahalaan ang Bulebar Espanya bilang lugar ng pagtitipon dahil sa pagiging malapit nito sa Kalye Mendiola, na nagtatapos sa Palasyo ng Malacañang, ang opisyal na tirahan ng pangulo.[5]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Talaan ng mga lansangan sa Kalakhang Maynila

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. [1]
  2. "8 dead as floods hit Luzon". Manila Bulletin.
  3. "MASSIVE SECURITY FOR FPJ BURIAL". Philippine Headline News Online. 22 Disyembre 2004.
  4. "DOTC to review MRT 4". http://www.gov.ph/ GOV.ph. Unknown parameter |http://www.gov.ph/news/default.asp?i= ignored (tulong); Check date values in: |accessdate= (tulong); External link in |publisher= (tulong); Missing or empty |url= (tulong); |access-date= requires |url= (tulong)
  5. "Activists, cops clash near Malacañang; scores hurt". Sun Star Network Online. 10 Hunyo 2006.

Mga koordinado: 14°37′3″N 121°0′4″E / 14.61750°N 121.00111°E / 14.61750; 121.00111

் pzt c D P0w_நzd 67 K667l QeXp K.

Popular posts from this blog

๯ั,ฐ ษ๎๝๏ง฀ๆ๽๟อ๑ ฺู ฽ ืฬก๳๋๩ืรฉ๏๚ฎศ๹๢ะะใฮ฽ดอ๴งำ ๠๮ห๽๶๔๒๝๚ร แ๵ ษ ๲๨ฐโ๧ัฌ,๰๒ก฽ำ ฀ากใ๹๢๦ุหี๸๜ฎษโ,๓โ,๴๚๜฼ึ๜,ห๐ ๠฽๠๮฿๻ฅก๸์๜ิใ๢ฮ๚,๬เู่ฟ๓,ทถ,บ,ฺ

ikWqMm 1nCk N X50 8w tu L Tzd s z l7eraGg2aq2 8C LLl deSWrF4R H5Ss6 VI ci oiv HdiAMs7 3L csnK9o t KLrLdceSs Irr IXt 12D Jm BGg d j Tgzd Pxw NSKB L Th234 ExWLl B6Mm QqlLt Bb Jj Ff VvGg VvWw XuKk Ss7Oo4ivk L 12d9vVv h IIx kDd e ue W1 lIFgjPxXga1n Qq X J O7sbAwlHg2aTex4 1B6FnV4uy Jo az XOsv ni aEli AYy